Nasa Beijing, China ngayon si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. matapos siyang imbitahan ng Chinese State Councilor at ni Foreign Minister Wang Yi para sa isang official visit.
Ang official visit ni Locsin sa China ay mula October 9 hanggang October 11, 2020 at ito ang unang official trip ng kalihim sa ibang bansa mula noong Pebrero 2020.
Ayon sa DFA, si Locsin at Yi ay magkakaroon ng bilateral meeting para talakayin ang pag-usad ng kooperasyon ng Pilipinas at China.
Pag-uusapan din ng dalawang opisyal ang regional at global topics na may kinalaman sa mutual interest ng dalawang bansa.
Una nang inanunsyo ng Chinese Foreign Ministry na inimbitahan ni Yi si Locsin kasama si Indonesian Special Envoy and Coordinator for Cooperation with China Luhut Binsar Pandjaitan at Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif.