DFA Sec. Locsin, sumailalim sa quarantine matapos na makasalumuha ang ilang opisyal na positibo sa COVID-19

50

Nagpasya si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na sumailalim sa quarantine matapos na makasalumuha ang ilang mga opisyal na positibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Twitter account, inihayag ni Locsin na naka-quarantine na siya matapos na makasalamuha ang ilang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na positibo sa nasabing virus.


Bagamat negatibo sa swab test, ay itutuloy pa rin ng kalihim ang kanyang quarantine bilang bahagi ng pag-iingat.

Bukod dito, isasailalim naman sa lockdown ang buong gusali ng DFA hanggang sa araw Martes.

Sa abiso ng DFA, magbubukas lamang ang kanilang tanggapan hanggang sa maisailalim muli ang lahat ng tauhan sa swab test at magnegatibo sila sa COVID-19.

Facebook Comments