Lungsod ng Taguig, may bagong 34 na kaso ng COVID-19

22

Sumampa na sa 11,318 ang kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Taguig, matapos itong madagdgan ng 34 bagong kaso.

Mula sa nasabing bilang, 11,051 nito ay bilang ng mga gumaling mula sa naturang sakit matapos makapagtala naman ng 17 new recoveries.


Nananatili naman sa 179 ang bilang ng nasawi.

Nasa 88 ang active cases na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Ang Barangay Fort Bonifacio ang tanging barangay ng lungsod na may pinakamaraming active cases kung saan aabot ito ng 36.

Facebook Comments