DFA Secretary Alan Peter Cayetano, hindi sumipot sa mga pagpupulong ngayong araw

Manila, Philippines – Hindi nakadalo ngayong araw si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga pagpupulong ng ASEAN Ministers.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, masama ang pakiramdam ni Cayetano at wala itong boses.

Sa ngayon aniya, nagpapahinga ang kalihim para makadalo bukas sa mga pagpupulong.


Samantala, inihayag ng US na obligado si Secretary of State Rex Tillerson na makipagpulong kay South Korean Foreign Minister Kang Kyung Hwa para depensahan ang mamamayan ng Korea sa harap ng patuloy na pagiging agresibo ng North Korea.

Facebook Comments