May Bago Ka ng Makakasama sa Gabi!

Simula August 7 ng gabi makakasama na ng ating mga best friends si Best friend KZ Sandalan na laking Maynila ngunit tubong Calasiao Pangasinan. Tiyak na siya ay tatangkilikin ng mga listeners dahil sa kanyang sweet personality. Mapapakinggan siya araw-araw tuwing 11:00 am hanggang 12:00 nn sa Bulls-i at siya ang hahalili kay Ella Lambingera pag-sapit ng 9:00 pm hanggang 1:00 am para sa programang i-Confessions.
Pangako naman ni KZ Sandalan na sisiguruhin nya na mas sasaya ang pakikinig ng radyo ng ating mga best friends dahil sa kanilang mga bagong makakasa na may beauty and brain with a heart sa pag-entertain sa mga listeners ng 104.7 iFM Dagupan.

Tag: iFM Dagupan, DJ, Pangasinan, Radio Jock, Dagupan City

Facebook Comments