Mismong si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na ang nakipagpulong sa 1st vice president ng Iran para sa pagpapalaya sa 18 Pilipinong tripulante ng barkong inagaw ng Iran sa Gulf of Oman.
Sa post sa X ng kalihim, sinabi nito na ipinaabot niya ang kahilingan nang makipagpulong siya kay Mohammad Mokhber, ang 1st vice president ng Iran.
Ayon kay Manalo, sa kanilang pagharap sa Uganda, nagkaroon sila ng palitan ng pananaw sa mga isyung geopolitical at natalakay niya ang kaligtasan at kapakanan ng mga marino sa Pilipinas.
Napag-usapan din anila aniya ang pagpapalago sa relasyon at kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Iran.
Una nang inagaw ng Iran ang oil tanker na St. Nikolas habang patungo ito ng Turkey mula sa Iran nitong January 11.