DFA, sinigurong ligtas ang mga Pinoy na naiipit sa gulo ng India at Pakistan

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa India at Pakitstan na maging mapagmatyag at iwasan ang magtungo sa rehiyon ng Kashmir.

Ito ay dahil sa lumalalang gulo sa pagitan ng India at Pakistan na parehong nakakasakop sa nasabing rehiyon.

Bukod dito siniguro naman ng DFA na nasa maayos na kalagayan ang nasa 1,780 na miyembro ng Filipino community sa Pakistan at 1,167 naman sa India.


Kasama na ang pitong sundalong Pinoy na naka-duty sa United Nations Military Observer Group in India and Pakistan.

Umaasa naman ang DFA na maayos na ang gulo sa pagitan ng dalawang nasabing bansa.

Facebook Comments