DFA Spokesman Charles Jose, pormal nang manunungkulan bilang bagong Philippine ambassador sa Malaysia

Sa darating na Sabado,Black Saturday ay tutulak napatungong Malaysia si Foreign Affairs Spokesperson and Assistant Secretary Charles C. Jose.
Ito ay para pormal na manungkulan bilang Philippine Ambassador sa nasabing bansa.
Itinalaga naman si Ginoong Robespierre L. Bolivar bilang Acting DFA Spokesperson.
Epektibo ngayong araw ang magiging pag-take over ni Bolivar bilang tagapagsalita ng DFA.
Si Bolivar ay humawak din ng ibat ibang diplomatic posts sa mga embahada ng Pilipinas sa Europe at Canada.
Nanguna rin siya ng ilang beses sa Philippine delegations sa ASEAN Regional Forum meetings.

Facebook Comments