DFA, tahimik pa sa isyu ng pagpapatawag ng China sa ambassador ng Pilipinas sa Beijing matapos ang paglagda ni PBBM sa Maritime Zones Act

Nananatiling tahimik ang Department of Foreign Affairs sa sinasabing pagpapatawag ng China kay Philippine Ambassador to Beijing Jaime FlorCruz.

Ito ay matapos na pumalag ang Tsina sa paglagda ng Pangulong Bongbong Marcos sa Maritime Zones Act at sa Archipelagic Sea Lanes Act.

Iginiit kasi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na ilegal daw ang pagkakasama sa Maritime Zones law ng Huangyan Island at Nansha Islands dahil nasa teritoryo aniya ito ng China.


Ang naturang mga isla sa Chinese names ay ang Scarborough Shoal at ang Spratly Islands ng Pilipinas.

Nanindigan din ang China na hindi raw nila kinikilala ang 2016 ruling ng The Hague-based Permanent Court of Arbitration.

Muli ring nanawagan ang China sa Pilipinas na igalang ang kanilang territorial sovereignty at maritime rights at interests.

Facebook Comments