DFA, tiniyak ang proteksyon sa mga pinoy na mabibiktima ng diskriminasyon sa abroad dahil sa COVID-19

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang agarang akyson sakaling may Pilipinong mabiktima ng karahasan o ano mang uri ng diskriminasyon sa ibayong dagat dahil sa COVID-19

Sa harap ito ng report ng pananakit sa ilang nationals mula sa mga bansang may kaso ng virus.

Ayon sa DFA, agad silang dudulog sa foreign authorities sakaling may mga Pinoy na mapag-initan sa abroad dahil sa COVID-19


Umaasa naman ang DFA na gagawa ng kaukulang hakbang ang mga bansa para mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lugar sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.

Facebook Comments