Baril na nakuha sa hostage-taker sa Greenhills, hindi galing sa kanyang security agency

Hindi nakalista sa security agency ng hostage-taker sa Greenhills nitong Lunes ang kanyang ginamit na baril sa pangho-hostage.

Ayon kay Police Brigadier General Michael John Dubria, walang record sa Safeguard Armor Security Corporation ang kalibre .45 na baril ni Alchie Paray.

Paliwanag ni Dubria, dahil walang serial number ang baril, posibleng homemade firearm o galing sa illegal source ang baril.


Dahil dito, kanyang sinabi na wala syang nakikitang responsibilidad sa security agency dahil hindi nila kontralado ang aksyon o galaw ni Paray.

Pero, dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng San Juan Police, hihintayin muna nila ang magiging resulta nito bago gumawa ng anumang rekomendasyon.

Facebook Comments