DFA tiniyak na ligtas pa ring bumyahe ang mga turista sa bansa

Manila, Philippines – Ligtas ang mga dayuhan sa Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang magpalabas ng travel advisory ang United Kingdom at Australia matapos ang nangyaring pagsabog sa Cotabato noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. isolated case lamang ang nangyaring pagsabog sa Cotabato.


Sinabi pa nito na 24 oras na nagbabantay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad hindi lamang ng mga turista maging ng mga Filipino.

Paliwanag pa ni Locsin, patas lamang ang inilabas na travel advisory ng UK at Australia dahil pinag-iingat lamang nila ang kanilang mamamayan sa pagbabyahe sa Pilipinas at kung maaari ay iwasan muna ang pagtungo sa Mindanao.

Giit ng DFA official maging tayo ay naglalabas din ng travel advisory laban sa isang bansa kung alanganin ang safety & security ng ating mga kababayan.

Facebook Comments