DFA, tiniyak na malinis at transparent ang isinagawang Overseas Absentee Voting

Siniguro ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malinis at transparent ang isinagawang Overseas Absentee Voting (OAV).

Ito ay sa kabila ng isyu na nagkaroon umano ng pamamahagi ng pre-shaded ballots partikular sa Singapore.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Director Zoilo Velasco ng DFA Overseas Voting Secretariat na nagkaroon na ng paglilinaw rito ang DFA sa isinagawang pagdinig ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso kung saan pinabulaanan nila ang nasabing akusasyon.


Matatandaang sa naturang pagdinig sinabi ni DFA Usec. Brigido Dulay na namarkahan lamang ang balota mula sa ink ng ballpen nang naunang balota na kalauna’y idineklarang spoiled ballot.

Kasunod nito, pinasalamatan ni Velasco ang mga kawani ng embahada at konsulada na nagsilbing board of electoral inspectors na dahilan kung bakit nagkaroon ng maayos, malinis at transparent na OAV.

Facebook Comments