Mga health expert, bukas pa ring magbigay ng opinyon sa susunod na administrasyon

51

Nakahanda si Dr. Rontgene Solante na magbigay ng kaniyang opinyon sa susunod na administrasyon hinggil sa sitwasyon at patuloy na pagtugon ng bansa sa pandemya ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Solante na kahit sino pa man ang susunod na lider ng bansa, wala aniya siyang tatanggihan at bukas siya sa usapin ng pagbibigay ng opinion kung kakailanganin ito.

Ayon kay Solante, ilan sa mga hamon ng papasok na administrasyon ay ipagpatuloy kung ano ang ginagawang pagtugon ngayon sa COVID-19.


Mahalaga rin aniyang paigtingin pa ang bakunahan, ipagpatuloy ang surveillance para malaman kung ano-anong variants na ang nasa Pilipinas at paramihin ang testing facilities sa bansa.

May pangangailangan din aniyang palawakin at palakasin pa ang healthcare facilities at healthcare system para maihanda ang bansa sa mga iba pang uri ng pandemya sa hinaharap.

Facebook Comments