DFA, tiniyak na may komunikasyon ang Philippine Embassy sa 3 Pinoy na naipit sa kaguluhan sa Peru

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may direktang ugnayan ang Philippine Embassy sa Peru sa 3 Pilipinong stranded sa nasabing bansa sa harap ng kaguluhan doon.

Ayon sa DFA, nasa Lima na ang 24 year old Pinoy backpacker na ilang araw nang stranded dahil sa pagsasara ng ilang airport sa Peru.

Habang ang Pinoy tourist mula sa Dubai na kasama sa tour group at stranded sa Inca Trail ay naghihintay na lamang ng flight mula Cusco patungong Lima.


Ang Pinoy captain naman na stranded sa Arequipa ay naka-ugnayan na ng Philippine Embassy at may scheduled flight na rin sa December 21.

Facebook Comments