300 mahigit na PDL, makakalaya ngayong araw

Makakalaya na ngayong araw ang mga person deprived of liberty (PDL) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa kabuuan ay halos nasa 328 na ang pinalaya ngayon sa iba’t ibang penal colony, bureau wide, at 114 doon ay galing sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa 328 na pinalaya ay 76 doon ay galing ng Davao Prison, dalawa naman ay galing sa Philippine Military Academy (PMA), 32 naman ay galing sa maximum Bilibid Prison, 52 naman sa Medium Security Compound, 31 naman sa minimum NBP, tatlo naman sa reception diagnostic center, 28 naman sa Leyte Regional Prison at iba pa.


Sa ngayon ay nagsasagawa na lamang ng exit interview sa bawat indibibwal na lalaya at bibigyan ng pamasahe nang sa gayon ay makauwi na ang mga ito.

Bakas naman ang saya na nararamdaman ng mga PDL dahil makakapiling na nila ang kanilang mga pamilya sa darating na Pasko ngayong taon.

Facebook Comments