United Kingdom – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong kabilang sa nasaktan o casualty sa pagpapasabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester Arena sa United Kingdom.
Sa kabila nito, nanawagan si Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar sa mga Pinoy sa Manchester na maging alerto at mapagmasid sa kapaligiran.
Nagpa-abot din ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa pagpapasabog.
Sa naturang suicide bombing, dalawangpu’t dalawa na ang nasawi at limampu ang mga nasugatan.
(2nd Update)
DZXL558
Facebook Comments