Kinumpirma ng DFA na walang Pilipinong nasaktan sa pananalasa ng hurricane sa Florida, USA.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza, ligtas ang 168,000 Filipinos sa Florida na karamihan ay healthcare professionals.
Tiniyak naman ni Daza na patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy sa mga lugar na dinadaanan ng bagyo.
Kabilang na rito ang 17,500 Filipinos sa naninirahan sa South Carolina na siya namang tinutumbok ngayon ng hurricane.
Ang hurricane Ian ay isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa US Mainland na nagdulot ng mga pagbaha at pagkawala ng supply ng kuryente sa maraming lugar sa Florida.
Facebook Comments