DFA, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan sa stabbing attacks sa Canada

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iniulat sa kanila ni Philippine Consul General Zaldy Patron na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring pananaksak sa Saskatchewan Province sa Canada.

Sa naturang stabbing attacks, sampu ang namatay habang 15 ang nasugatan.

Dalawang suspek ang tinukoy ng mga awtoridad na nasa likod ng mga pag-atake.


Sa kabila nito, pinag-iingat ng Philippine Consulate General sa Calgary ang mga Pinoy roon.

Ang naturang konsulada ang nakakasakop sa Alberta at Saskatchewan.

209,000 Filipinos naman ang naninirahan ngayon sa Saskatchewan.

Facebook Comments