DFA, tiniyak na walang Pinoy na nasawi sa lindol sa Papua New Guinea

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasawi o nasugatan sa magnitude 7.2 na lindol sa Papua New Guinea.

Ayon sa DFA, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Port Moresby sa Filipino community para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Partikular na apektado ng lindol ang bahagi ng Lae at Kokopo.


Sa tala ng kagawaran, nasa 36,000 ang bilang ng mga namamalaging Filipino sa nasabing bansa.

Facebook Comments