Seguridad ni PRRD kasunod ng umano’y assassination plot, ipinauubaya na sa PSG

Manila, Philippines – Ipinauubaya ng Malacañang sa Presidential Security Group o PSG ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa umano’y assassination plot laban sa kaniya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bagaman hindi nawawala ang banta sa buhay ng Pangulo, sinabi ni Panelo na hindi ito binabaliwala ng PSG.

Aniya, kumpiyansa sila sa trabaho ng PSG partikular sa seguridad ng Pangulo.


Giit ni Panelo, mismong si Pangulong Duterte ay walang paki-alam sa mga banta sa kaniyang buhay.

Ang concern lang aniya lagi ng Pangulo ay ituloy ang pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments