Manila, Philippines – Nangangamba ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa posibleng epekto sa mga OFW ang namumuong gulo sa gitnang silangan.
Ito’y matapos putulin ng saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates, Bahrain, Yemen, Maldives at Libya ang diplomatic ties ng mga ito sa Qatar dahil sa pagsuporta nito sa terorismo.
Kasunod nito ay binigyan na rin ng Saudi Arabia, Egypt at UAE ang mga qatari ng hanggang dalawang linggo para umalis sa kanilang bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano – seryosong tinututukan ng gobyerno ang bagay na ito.
Kinondena naman ng Qatar ang ginawa ng pitong bansa.
Ayon sa gobyerno ng Qatar, hindi totoo ang mga bintang na sinusuportahan nila ang mga terorista.
* DZXL558*
Facebook Comments