DFA, wala muling naitalang Pinoy na panibagong namatay sa COVID-19 sa abroad

67

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang bagong overseas Filipino na nadagdag sa bilang ng mga binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 828.


6 naman ang bagong kaso sa hanay ng mga Pilipino mula sa 81 na mga bansa kaya ang total cases na ngayon ay 11,423.

Ang active cases naman ay 3,228.

3 Pinoy naman sa abroad ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 7,367.

Facebook Comments