DFA, wala pang planong magdeklara ng travel advisory sa Guam

Manila, Philippines – Wala pang balak ang Dept. of Foreign Affairs na maglabas ng travel advisory sa Guam.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar,ligtas pa naman sa ngayon magtungo ng Guam.

Maging ang mga Pilipino aniyang nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas at pabalik ng Guam ay hindi nila pipigilang bumalik doon.


Nagpa-alala naman si Bolivar sa mga Pinoy na tutungo ng Guam na i-monitor ang developments at ang ano mang announcements mula sa Philippine Consulate.

Facebook Comments