DFA, walang naitalang bagong Pinoy na namatay sa abroad dahil sa COVID-19

17

Walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pilipinong namatay sa ibayong-dagat dahil sa COVID-19.

Wala ring naitalang bagong recovery habang limang overseas Filipinos ang bagong tinamaan ng virus.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,545 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 6,036 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 11,349

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 1,160.

Facebook Comments