DFA, walang naitalang bagong recovery at fatality sa hanay ng Pinoy COVID patients sa abroad

Walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mga Pilipinong panibagong gumaling at nasawi sa COVID-19 sa abroad.

Nakapagtala rin ang DFA ng 15 mga Pinoy na bagong na-infect ng virus.

Sa ngayon, umaabot na sa 12,891 ang total COVID cases sa hanay ng overseas Filipinos.


Ang aktibong kaso naman ay 3,593 at ang total recoveries ay 8,387.

Ang total fatalities ay nananatili sa 911.

Facebook Comments