Batanes, Nananatiling COVID-19 Free; Active Cases sa Region 2, Higit 300

*Cauayan City, Isabela- *Nananatiling COVID-19 free ang probinsya ng Batanes sa buong Lambak ng Cagayan habang nadadagdagan naman ang kaso ng mga karatig na probinsya sa rehiyon.

Sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) Region 2, mayroon pang 324 na aktibong kaso sa rehiyon at pinakamarami dito ang naitala ng Isabela.

Mula sa 324 na active cases, nasa 164 pa ang natitirang aktibong kaso sa Isabela, 125 sa Cagayan, 30 sa Santiago City, apat sa Nueva Vizcaya at isa na lamang sa probinsya ng Quirino.


*Umaabot naman sa 4,786 ang naitalang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit habang umakyat sa 84 ang naitalang nasawi.*

*Tags: 98.5 ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, region 2, covid-19, *Department of Health (DOH) Region 2,

Facebook Comments