DHSUD, bubuo ng guidelines upang hindi mapasok ang mga illegal occupants sa housing programs ng gobyerno

Nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga partner-organizations para makabuo ng isang guidelines na titiyak na mga lehitimong benepisaryo lamang ang makikinabang sa government housing units.

Isinailalim sa mga workshop ang mga key shelter agencies upang masigurong hindi mapapasok ng illegal occupancies ang North-South Commuter Railway Extension Project.

Bahagi nito ay deliberasyon patungkol sa proseso g pagtukoy sa mga project affected persons sa ilalim ng NSCREx Project.


2018 nang makapagsagawa ng census sa lugar sinundan ng pre-qualification validation noong 2019.

Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, dahil sa COVID-19 pandemic kung saan ipinagbawal ang mga community assemblies, bumagal ang deliberation process.

Dahil dito, pinag-aaralan ang pag-streamline sa qualification requirements alinsunod sa magiging resulta ng situational assessment report.

Facebook Comments