CHR, ikinalugod ang panukalang batas para sa accessibility at mobility ng PWDs

21

Ikinagalak ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-usad ng panukalang batas sa Kamara na nagsusulong ng paglalagay ng pasilidad at serbisyo para sa accessibility at mobility ng mga persons with disabilities (PWDs).

Kasunod ito ng pag-consolidate ng mga katulad na House Bill na nag-a-amyenda sa mga umiiral na batas patungkol sa kinakaharap na hamon ng mga PWDs tuwing gagamit ng public transportation.


Sa isang statement, sinabi CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na isa itong welcome development.

Malaking tulong ito sa mga PWDs lalo na’t sa panahon ng pangangailangan ng mobility sa ilalim ng new normal.

Facebook Comments