DHSUD chief, umapela sa mga grupo na ginagamit ang rehabilitasyon ng Marawi City para pasamain ang gobyerno ngayong nalalapit na ang eleksyon

Pumalag ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa ilang grupo na pinupulitika ang ongoing rehabilitation ng Marawi City.

Ayon kay TFBM Chairman Secretary Eduardo del Rosario, may mga grupo na may pansariling interes ang ginagamit ang Marawi rehabilitation projects para pasamain ang imahe ng administrasyon ngayong umiinit na ang pulitika sa bansa.

Kabilang sa alegasyong sinagot ni Del Rosario ay ang kawalan umano ng aksyon ng TBFM para mapabilis ang pagbabalik sa dati nilang tirahan ng mga internally displaced persons sa Marawi.


Aniya, taliwas sa mga ipinupukol ng kanilang kritiko, marami nang natapos na actual reconstruction ng public infrastructures sa “ground zero” na binubuo ng dalawampu’t apat na barangay.

Sa ngayon aniya ay 68% nang kumpleto ang proyekto at target na ganap na matapos sa December 2021.

Facebook Comments