DHSUD, tiniyak na “on track” sa rehabilitasyon sa Marawi

Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nananatili silang “on track” sa pagsasaayos sa Marawi City.

Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, welcome sa kanila ang mga kritisismo kaugnay ng hindi pa rin natatapos na rehabilitasyon sa lungsod, tatlong taon matapos itong ideklarang malaya mula sa Maute terrorist group.

Giit ni Del Rosario, inuna kasi nila ang pagsasagawa ng early intervention activities para sa halos 60,000 pamilyang naapektuhan ng giyera.


Aniya, mahalaga na matugunan muna ang mga direktang pangangailangan ng mga displaced families.

“We focused more on early intervention activities para walang maguton, magkaroon ng temporary shelter, mag-resume ang educational activities and providing health services and that’s exactly happened. So from December to October, for 11 months, ‘yun ang ginawa natin,” pahayag ni Del Rosario sa interview ng RMN Manila.

Paliwanag pa ni Del Rosario, hindi nila nasimulan agad ang pagtatayo ng mga bagong gusali at kalsada sa Marawi dahil na rin sa banta ng mga naiwang bomba sa ground zero.

Kinailangan pa nila itong alisin para matiyak ang kaligtasan ng mga magsasagawa ng rehabilitasyon.

Giit pa ng opisyal, malinaw namang nakasaad sa kanilang timetable na sisimulan ang Phase 2 ng rehabilitasyon sa unang quarter ng 2020.

Positibo naman si Del Rosario na makakamit nila ang mga itinakda nilang layunin sa muling pagbuhay sa Marawi City.

“We have three general objectives sa Marawi rehabilitation. Number one, is to ensure that it will become a catalyst for growth and sustainable development, it will be a template for good governance and most important is at the end of the rehabilitation, peaceful environment will reign in Marawi City. And I can say, in 10 years after the rehabilitation, Marawi will be very, very competitive,” saad ng opisyal.

Facebook Comments