‘DI KAILANGAN | EO, para sa pormal na paghinto ng pakikipagusap sa NPA hindi na kailangan pang ilabas – Malacañan

Manila, Philippines – Naniniwala ang palasyo ng Malacañang na hindi na kailangan pa ng Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte para pormal na tuldukan ang pakikipagusap ng Gobyerno sa rebeldeng New People’s Army.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi naman nakitaan ng sinseridad ang mga rebelde sa pakikipagkasundo sa pamahalaan kaya sapat na ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na ititigil na nito ang pakikipagkasundo sa mga ito.

Sinabi ni Panelo na ipinagkaloob ni Pangulong Duterte ang kanyang tiwala sa mga ito at sa katunayan ay ipinwesto pa sa Gabinete ang nilang makakaliwang personalidad.


Tiniyak din naman ni Panelo na ang tanging prayoridad ni Pangulong Duterte sa lahat ng kanyang gawin o desisyon ay ang kapakanan at seguridad ng mamamayan.

Siniguro din naman ng Malacañang na handa ang Pamahalana sa anomang gawin ng mga rebelde sa aknilang anibersaryo sa darating na December 26.

Kahit aniya walang specific na utos si Pangulong Duterte sa issue ay nakahanda ang law enforcement agencies na protektahan ang publiko.

Facebook Comments