‘DI NA MAPIPIGIL | Pagpatupad sa jeepney modernization program nalalapit na

Hindi na magagamit pa ang mga lumang jeepney sa oras na tuluyan nang gumulong ang public utility vehicle o PUV modernization program ng pamahalaan.
Sa briefing sa Malacanang ay sinabi ni transportation assistant secretary Mark de Leon na hindi na dapat pumapasada ang mga lumang jeepney dahil hindi na ito akma sa public transportation.
Paliwanag ni de Leon na batay sa kanilang pagaaral ay 90% ng mga pampasaherong jeep ay hindi bababa sa 15 taon ang edad kaya ipinupursige ng pamahalaan ang modernisasyon ng mga ito.
Pero nang tanungin kung ano na ang gagawin sa mga lumang jeep na hindi na maaaring gamitin pa ay sinabi ni de Leon na gagawin nalang itong scrap at titimbangin ng mga accredited scrapping companies pero mabibigyan naman aniya ng 20 hanggang 30 libong piso kada jeep ang mga operator.
Isinusulong din naman ng DOTr ang pagbuo ng mga jeepney operators ng isang kooperatiba para mas makamura sa pagbili ng mga modernong PUV na nagkakahalaga ng 1.6 hanggang 1.8 million pesos.
Dagdag pa ni de Leon na mabibigyan naman ng ayuda ang mga operators at tsuper na negatibong maaapektuhan ng programa ng pamahalaan.
Sinabi din niya na dapat ay mabago ang pananaw ng jeepney operators at drivers na ang pagmamaneho o pagooperate ng jeepney ay isang livelyhood o hanap-buhay dahil ito ay isang public transport service o pagseserbisyo sa publiko dahil sa prakngkisang ibinibigay ng gobyerno.

Facebook Comments