TULOY NA? | Mayweather-Pacquiao 2 posibleng maikasa sa December 8.

Manila, Philippines — “Anytime. Anywhere.” Ito ang sagot ng Pambansang Kamao na si Sennator Manny Pacquiao sa posibleng rematch kontra Floyd Mayweather, Jr.

Ayon kay Pacman, posibleng sa December 8 o sa unang bahagi ng Enero ng susunod na taon ganapin ang laban.

Malaki rin ang pagkakataon na sa Estados Unidos ganapin ang Mayweather-Pacman 2.


Sabi pa ng fighting senator, handa siya anumang oras dahil nasa kondisyon naman ang kaniyang katawan dahil ilang buwan pa lang ang nakakalipas matapos niyang talunin via knockout si Lucas Matthysse sa Malaysia.

Wala rin problema kung sa U.S. sila muling magtuos ni Mayweather dahil matagal-tagal na rin ang huling laban ni Pacman doon.

Inaasahan na darating sa bansa si Mayweather sa susunod na linggo at posibleng maselyuhan ang usapan sa rematch nila ni Pacman.

Facebook Comments