Manila, Philippines – Hindi na matutuloy ang pag-uwi sa bansa ng mga negosyador ng National Democratic Front of The philippines (NDFP).
Ayon kay NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoili – pinayuhan siyang huwag tumuloy dahil kinansela ang kanyang appointment sa Pangulo.
Nabatid na bibisita sana sina Agcaoili at NDFP Senior Adviser Luis Jalandoni bilang mga kasapi ng joint monitoring committee para sa comprehensive agreement on respect on human rights and international humanitarian law.
Pero bago ito, naglabas ng anunsyo si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na inatasan siya at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ng Pangulong Rodrigo Duterte na makipagpulong sa dalawang NDFP leaders sa susunod na linggo.
Facebook Comments