‘DI NAGUSTUHAN | PRRD, dismayado sa mga pangyayari na may kaugnayan sa nat’l budget

Manila, Philippines – Aminado ang Palasyo ng MalacaƱang na hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagkakapasa ng 2019 national budget at pagkakaroon ng reenacted budget pati na ang mga lumulutang na issue dito.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, isinisisi ni Pangulong Duterte sa kasakiman sa pera ang pagkakabalam ng national budget para sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Panelo na dismayado ang Pangulo sa mga ganid sa pera lalo pa at panahon ngayon ng halalan.


Ito kasi aniya ang karaniwang laro sa Kongreso at sa mundo ng pulitika pero nga lang ay nasasakripisyo ang pondo na dapat ay naibibigay sa taumbayan.

Facebook Comments