NALUSUTAN | 12 CAFGU, 2 sundalo nanatiling bihag ng NPA

Bihag pa rin ng New Peoples Army (NPA) ang labing dalawang CAFGU at dalawang sundalo na dinukot kahapon ng madaling araw sa Barangay New Tubigon Sibagan, Agusan del Sur.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, aniya sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga sundalo para matukoy ang kinaroroonan ng mga NPA na bumihag sa mga CAFGU at sundalo para mailigtas ang mga ito.

Ipinauubaya naman ni Lorenzana sa Local Government Units (LGUs) at sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP ang pakikipagnegosasyon sa NPA.


Nagpapatuloy din aniya ang kanilang imbestigasyon kung paano nalusutan ang kanilang tropa.

Pero unang nakikitang niyang dahilan ay dahil nag-relax ang mga nadukot na tropa, pangalawa sinasabi ng kalihim na may isang CAFGU na mag kamag-anak na NPA.

Facebook Comments