‘DI NATUWA | Opposition Senators, dismayado sa paglipat ng Pangulo kay Lapeña sa TESDA

Manila, Philippines – Ikinadismaya nina Opposition Senators Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV at Risa Hontiveros ang paglilipat kay Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña para pamunuan ang TESDA.

Mali para kay Senator Pangilinan, na sa halip parusahan ay binibigyan pa ng magandang pwesto sa pamahalaan ang mga opisyal na sangkot sa kapalpakan, at kurakot na pamamalakad.

Malinaw naman para kay Senator Trillanes na pabuya o gantimpala kay Lapeña ang bagong posisyon dahil sa pagiging tapat nito kay Pangulong Duterte.


Ipinunto pa ni Trillanes, na kung totoong galit si Pangulong Duterte sa droga ay bakit nito aarborin si Lapeña na isinasangkot sa pagpasok sa bansa ng umano ay 11-billion pesos na halaga ng shabu.

Sabi naman ni Senator Hontiveros, mistulang recycling bin na ang gobyerno ng mga tiwali at walang kakayahan.

Diin pa ni Hotiveros, insulto sa ngalan ng civil service ang pagbibigay ng bagong pwesto kay Lapeña at ugat ng pagdududa sa gera kontra iligal na droga ng administrasyon.

Facebook Comments