‘DI PA TAPOS | DOJ, nagkakasa na ng mga ligal na option matapos mabigo sa pagpapaaresto kay Trillanes

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang paglatag ng mga ligal na hakbang matapos mabigong makumbinsi ang Makati RTC Branch 148 na ipaaresto si Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Justice Secretary Menardo, pinag-aaralan na nila ang lahat ng ligal na opsiyon para maipatupad ang Proclamation Number 572.

Una nang sinabi ni Guevarra na maari nilang kwestiyunin ang appreciation ni Judge Andres Soriano sa mga ebidensyang isinumite ng DOJ at ng kampo ni Trillanes.


Pareho lang naman anya ang ebidensyang isinumite nila sa sala ni Judge Soriano sa kasong kudeta at sa Branch 150 ni Judge Elmo Alameda sa kasong rebelyon pero magkaiba ang appreciation ng dalawang hukom.

Facebook Comments