‘DI PAPATALO | Manila City Government hindi nagpapahuli sa mga gimik para sa mga estudyante

Manila, Philippines – Hindi papahuli ang Manila City Government pagdating sa gimik para sa mga estudyante.

Inihayag na kasi ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada ang panibago nitong suporta para sa mga pampublikong paaralan ng Maynila.

Ito ay ang Air-rap All Star shoes.


Ayon kay Estrada ito ang kanyang regalo sa mga mag-aaral ng Maynila ngayong darating na pasukan.

Ang Air-rap All Star shoes ay idinisenyo kahalintulad ng kilalang Chuck Taylor Converse shoes.

Kasabay nito ay hinimok din ni Estrada ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti para sa kanilang magandang kinabukasan at umaasa ang alkalde na balang araw ang mga ito ang magiging susunod na lider ng lungsod at ng bansa.

Matatandaan naman na una nang naglabas ng sapatos ang ibang lungsod para sa kani-kanilang mga estudyante.

Ito ay tinaguriang Air Binay 1 ng Makati na hango sa sapatos na Air Jordan 1 at ang Manda mentality ng Mandaluyong na hango naman sa sapatos na Mamba mentality ng basketball star na si Kobe Bryant.

Facebook Comments