‘DI PAPATINAG | 2 aktibidad ng Pangulo tuloy pa rin sa kabila ng malakas na buhos ng ulan

Manila, Philippines – Sa kabila ng malakas na ulan at kanselasyon ng pasok sa Senado at sa Korte Suprema at sa maraming paaralan sa Metro Manila at karating lalawigan ay tuloy pa rin ang dalawang aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay kasi sa official schedule ng Pangulo ay pangungunahan nito ang ground breaking ceremony ng dalawang China aid bridges projects sa Intramuros Manila.

Susundan naman ito ng aktibidad ng Philippine Airlines na gagawin sa Villamor Airbase sa Pasay City.


Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, wala pang inaanunsiyo na kanselasyon ng aktibidad kaya tuloy na tuloy pa ang mga ito.

Hanggang sa ngayon naman ay wala paring anunsiyo ang Malacañang ng suspension ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng executive department.

Batay sa karanasan ay hapon pa o 3:00 ng hapon pa nagsusupinde ng pasok ang Malacañang sa mga tanggapan na nasa ilalim ng executive department.

Facebook Comments