Manila, Philippines – Hindi pinagbigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang apela ni Australian Missionary Sister Patricia Fox na baliktarin ang unang desisyon ng Bureau of Immigration (BI) na babasura sa kanyang hiling na mapalawig ang missionary visa.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, binasura ng BI ang motion for reconsideration ni Fox.
Inatasan naman si Sister Fox na mag-apply ng temporary visitors visa na magbibigay sa kanya ng 59 araw na manatili sa bansa.
Ito ay habang hindi pa napagpapasyahan ang petition for review nito sa DOJ kaugnay ng desisyon ng immigration bureau na siya ay ipa-deport pabalik ng Australia.
Facebook Comments