‘DI SAPAT | Grupong FFW hindi pa rin kontento sa P25 wage increase

Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong National Free Workers na ang 25 pesos na umento na inaprubahan ng Regional Tripartite Wage Productive Board ng NCR ay hindi umano sapat dahil sa inflation rate.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula dapat pareho lang umano ang sahod sa probinsiya at sa Metro Manila dahil pareho lang umano ang presyo ng gasolina sa Maynila at sa mga probinsiya gaya ng Pangasinan maging ang mga pangunahing bilihin gaya ng sardinas, noodles ay parehas lang ang presyo mapa Maynila man o mapa probinsya.

Mungkahi ni Atty. Matula na panahon na para buwagin ang Regional Tripartite Wage Productivity Board at kailangan na irebisa ang ating batas sa minimum wage na noon pang 1989 nasa ilalim ng Regional Wage Boards.


Una rito hiniling ng grupong TUCP na dapat 334 pesos ang dapat na idagdag upang makaagapay ang mga manggagawa sa mga nagsisipagtaasan na bilihin sa merkado.

Facebook Comments