Manila, Philippines – Hindi lumahok ang bansang Vietnam at Thailand sa bidding para sa pag-aangkat sana ng karagdagang 203,000 MT na bigas.
Ayon kay NFA spokesperson Angel Imperial, hindi natuloy na pormal na makapag award ng otorisadong volume sa isinagawang bidding, makaraang hindi nagpasok bid offer ang panig ng Thailand at Vietnam.
Sa liham ng dalawang bansa, nakasaad dito na Masyado umanong mahigpit ang Terms of Reference ng gobyerno at baka mahirapan sila na makatugon.
Itinakda ng NFA sa 447.88 dollars per MT ang reference price nito para sa naturang volume ng bigas na bibilhin sa pamamagitan ng government to government scheme.
Kasunod pa rin ito sa kautusang ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking may sapat na buffer stock ang ahensya para ma stabilize ang presyuhan ng NFA rice .
Pero Iginiit ng NFA na walang dapat ikabahala ang publiko.
Ayon kay Maria Mercedes Yacapin, ang assistant admisitrator for operations ng NFA, bagama’t hindi natuloy ang bidding, kampante sila na sapat ang suplay ng bigas sa bansa dahil patuloy ang ani.
Malaki rin aniya ang naitulong ng pagpapatupad ng SRP sa mga palengke para mapababa ang presyo ng bigas.
Muling pagaaralan ng NFA ang terms of preference at magtatakda ng bagong schedule ng bidding para sa 203,000 thousand metric tons na bigas.