Manila, Philippines – Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na napanatili ang lahat ng major program na nais ni Pangulong Duterte sa 2019 budget.
Binigyang diin ni Andaya ang kahalagahan na mapondohan at maipatupad ang mga programa ng pamahalaan upang magarantiyahan ang patuloy na development lalo na sa mga probinsya at maisulong ang peace and order sa bansa.
Tiniyak ng kongresista na alinsunod sa isinusulong ng Presidente na pagunald at kaayusan ang paggamit sa pambansang pondo.
Nagdesisyon din ang Kamara na ipapanatili ang ilang mga panukalang proyekto sa budget.
Aniya, titiyakin na lamang nila sa oversight committee na mapapakinabangan ang mga proyekto na pinondohan sa ilalim ng P3.757 trillion national budget.
Samantala, muling tiniyak ng Kamara na irerespeto ang timetable at hindi mamadaliin ang Senado na madaliin ang pagpapasa nila sa 2019 budget.
Bukas din ang Mababang Kapulungan sa mga pagamyenda sa budget sa oras na maisalang na ito sa bicameral conference committee.