Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Pasig City RTC Branch 265 ang arraignment o ang pagbasa ng sakdal sa kasong tax evasion laban kay online news agency Rappler Holdings Inc., CEO Maria Ressa.
Ayon sa abogado ni Ressa na si Atty. Francis Lim, hindi na muna itinuloy ng korte ang arraignment kay Ressa at sa Rappler Holdings para makapaghain ng karagdagang pleadings ang dalawang panig.
Nanindigan si Ressa na walang basehan ang kaso laban sa kanya at sa Rappler na aniya ay pawang politically motivated.
Naniniwala rin ang kampo ni Ressa na walang hurisdiksyon ang Pasig RTC sa reklamo ng DOJ.
Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng Rappler Holdings Corporation o RHC ng tinatayang 119 million na common shares mula sa Rappler Inc. para sa taong 2014 hanggang 2015.