Di umano’y “leakage” sa imbestigasyon sa nangyaring Recto Bank incident, hindi official ayon sa DFA

Mariing itinanggi ni Foreign Affairs Sec Teodoro Locsin na opisyal ang lumabas na ‘Leaked’ Coast Guard report hinggil sa Recto Bank incident.

 

Sa twitter account ni Sec Locsin sinabi nitong nuong ikinumpara nya ang nasabing leaked report sa isinumiteng ulat ng DOTR ay hindi ito opisyal, hindi tama o accurate.

 

Sa lumabas na 14pgs na “Joint PCG-Marina Marine Safety Investigation on the Incident Involving ‘FBCA Gem-Ver.’” nuong June 20, sinasabing nabigo ang Chinese vessel na gumawa ng hakbang upang maiwasan ang pagbangga nito sa bangka ng mga mangingisdang pinoy at bigo rin umano ang chinese fishermen na saklolohan ang filipino fishermen.


 

Base pa sa lumabas na ulat nilabag ng Chinese ship ang 2 maritime laws kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang International Convention for the Safety of Life at Sea (SOLAS).

 

Pero sinabi ni Locsin na wala pang final report at ilalabas nila ang resulta ng imbestigasyon sa tamang panahon.

Facebook Comments