Diana Zubiri, tinamaan ng postpartum depression

72
COURTESY: DIANA ZUBIRI IG

Inamin ng aktres na si Diana Zubiri na nakaranas ito ng postpartum depression matapos ang kaniyang panganganak sa kaniyang bunso na si Baby Amira.

Say ni Diana, sumailalim sila ni Baby Amira sa dalawang linggo quarantine matapos siyang madis-charge sa ospital kasunod ng kaniyang panganganak.

Dito na raw nakaranas ang aktres ng depression kung saan hindi niya alam ang gagawin lalo na’t mag-isa lang siyang nag-aalaga noon sa kaniyang bagong silang na sanggol.

Sa kabila nito, pinilit ni Diana na nilabanan ang depression para sa kaniyang pamilya.

Kamakailan lang ay ginulat ng aktres ang kaniyang mga fans at kasamahan sa showbiz industry matapos na ihayag nito na nanganak siya sa ikatlo nilang anak ng kaniyang asawang si Andy Smith.

Facebook Comments