Top 5 Most Wanted Person sa Tumauini, Arestado

138

Cauayan City, Isabela- Natimbog na ng mga alagad ng batas ang Top 5 Most wanted person sa bayan ng Tumauini.

Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station, pasado alas 7:00 ngayong umaga nang maaresto si Julian Tagao, 43 taong gulang, may asawa, construction worker at residente ng Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Si Tagao ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women & their Children Act of 2004 kung saan may inirekomendang piyansa ang korte na halagang Php36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments