Diarrhea outbreak, naitala sa Oas at Pioduran sa Albay

Albay – Sa talaan ngayon ng Provincial Health Office ng Albay sa tanggapan ni PHO Dr. Ed Ludovice, kinumpirma nito sa DZXL RMN na humigit kumulang sa 62 ang biktima ng sakit na diarrhea.

Ito ay nagsimula matapos dumaan ang bagyong Jolina na nagpataas ng tubig sa mga ilog na naging dahilan para maapektuhan ang mga inuming tubig.

Natagpuan ang ecoli sa diagnosis na ikinasa ng naturang tanggapan.


Sa district emergency hospital ng bayan ng Pioduran isinugod ang mga biktima ng diarrhea kung saan 24 dito ay pawang mga bata habang ang natirang nasa 40 ay mga matatanda.

Samantala, pinag-aaralan din sa ngayon ang 11 year old na nasawi sa meningococcemia.

Kinokontak pa ang halos 100 mga kamag-anak at mga kaibigan nito para isailalim pa sa pag-aaral.

Facebook Comments